Calendar
Iniharap kay Manila Mayor Isko Moreno ang suspek. JONJON C. REYES
20-anyos na most wanted sa Maynila dahil sa murder tiklo
NAKALAWIT ng mga operatiba ng DID-MPD ang isang 20-anyos na binata na may kasong murder at number 1 most wanted person (District Level) matapos matunton Lunes ng gabi sa Rizal Avenue corner Malabon St,Sta Cruz, Manila.b
Kinilala ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso ang natimbog na suspek na si Alyas “Prince Aethan Cruz”, Senior High School graduate at residente ng Bgy. 131, Caloocan City.,b
Ayon kay PLTCol. Robert B Sales, OIC, ng District Intelligence Division ng MPD, bandang 6:15 ng gabi nang arestuhin ang suspek makaraang magsagawa ng manhunt operation ang intel operatives ng Tracker Team ng DID-MPD sa pangunguna ni PLT Conrado De Lara Juaño Jr/ Kasama sa joint operation ang NISG-NCR sa pangunguna ni SGT Andrei S Rodriguez.b
Bitbit ng mga operatiba ang warrant of arrest laban sa suspek sa kasong murder na inisyu ni RTC Judge Merianthe Pacita Manzano Zuraek, ng Branch 51, Manila. Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.b
Ang akusado ay agad iniharap kay Mayor Domagoso bago itinurn-over sa MPD Custodial Facility.

