Bangkay Source:: Philippine Coast Guard/FB

3 bangkay narekober sa SAR sa Basilan

188 Views

KINUMPIRMA ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagkaka-recover ng tatlong cadaver kaugnay ng nagpapatuloy na search and rescue (SAR) operations para sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3 ngayong Pebrero 1, 2026.

Ayon sa PCG, ang pinagsanib na SAR team na binubuo ng mga ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, at mga boluntaryong mangingisda ay nakakuha ng dalawang labi sa Baluk-Baluk Island at isang cadaver sa Lantawan Island, kapwa sa lalawigan ng Basilan.

Isasakay at dadalhin ang mga na-recover na labi sa Zamboanga City upang isailalim sa identification at tamang disposition, ayon sa mga awtoridad.

Dahil dito, umakyat na sa 39 ang kabuuang bilang ng mga nasawi, habang nananatili sa 316 ang bilang ng mga nakaligtas sa trahedya. Patuloy pa rin ang operasyon ng mga awtoridad habang isinasagawa ang masusing paghahanap sa posibleng iba pang nawawalang sakay ng barko.