Calendar
Provincial
3 kawatan ninenok laman ng ATM sa San Pablo
Gil Aman
Aug 20, 2026
243
Views
KINULIMBAT ang perang laman ng Metrobank automated teller machine (ATM) ng mga tirador sa Puregold sa Barangay I-A Colago Avenue, San Pablo City, Laguna, noong Agosto 19.
Ayon kay PLt. Col. Mederic Villarete, hepe ng San Pablo police, pinasok ang Puregold sa pamamagitan ng pagbutas sa grocery ng tatlong magnanakaw.
Natuklasan ng 47-anyos na store manager na si alyas “Fe” ang sinirang pinto ng tindahan dakong alas-6:50 ng umaga at doon natuklasang sinira ng mga magnanakaw ang ATM na naglalaman ng hindi pa batid na cash.
Ang pangyayari ay agad ipinagbigay alam sa himpilan ng pulisya na nagsagawa ng imbestigasyon upang kilalanin ang mga suspek sa pamamagitan ng CCTV na nakalagay sa establishment.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

