PMA Source: Darwin Dormitorio FB page

3 PMA kadete hinatulan ng reclusion perpetua sa pagkamatay ng kapwa kedete

Zaida Delos Reyes Aug 16, 2024
95 Views

TATLONG kadete ng Philippine Military Academy (PMA) ang hinatulan ng guilty ng Baguio Regional Trial Court (RTC) Branch 5 kaugnay ng pagkamatay ng kapwa kadeteng si Darwin Dormitorio noong September 2019.

Kabilang sa mga hinatulan ng reclusion perpetua o 40 taong pagkabilanggo sina Shalimar Imperial, Julius Tadena, at Felix Lumbag Jr.

Si Dormitorio ay nasawi sa PMA Hospital noong September 18, 2019, isang araw makaraang ma- diagnose na mayroong urinary tract infection.

Sa record ng korte, unconscious, unresponsive, at wala nang vital signs ang biktima nang dalhin sa ospital.

Nakitaan rin ng mga sugat ang kaniyang dibdib, tiyan, tagilirian at likod.

Isinailalim siya sa cardio-pulmonary resuscitation subalit idineklarang patay ng physician.

Lumabas din sa pagsusuri na ang pagkamatay ni Dormitorio ay dahil sa “cardiopulmonary arrest probably secondary to blunt thoracoabdominal injury probably to mauling.