Calendar
Ang mugshot ng tatlong suspek.
Source: NCRPO
3 suspek sa pagnanakaw nasakote sa 2-minutong responde
NAARESTO ng mga awtoridad ang tatlong lalaki na nagnakaw sa construction site ng simbahan sa Barangay Bungad, Quezon City, sa loob lamang ng dalawang oras.
Ito ay alinsunod sa direktiba ng ni Philippine National Police (PNP) chief, P/Gen Nicolas D Torre III, na tiyaking mabilis ang pagtugon ng serbisyo sa publiko.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO), Director, PMGen Anthony Aberin, bandang 7:05 ng umaga, nakatanggap ng tawag sa 911 na puwersahang pumasok sa construction area ng isang simbahan sa West Avenue ang 3 lalaki at nagnakaw ng mga copper tube mula sa air-conditioning system nito.
Matapos suriin ng mga pulis ang CCTV footage, may nakitang tricycle malapit sa simbahan na nagsisilbing getaway vehicle ng mga suspek.
Sa loob ng dalawang minuto, sa tulong ng mga opisyal ng barangay at follow-up investigators, agad na isinagawa ang hot pursuit operation at nadakma ang tatlong suspek, at narekober ang tricycle na ginamit sa pagnanakaw.
“Arriving within two minutes from the call for assistance shows our people that they are never alone in times of danger. This is the standard we continue to uphold in line with the directive of our Chief PNP, PGEN Nicolas D Torre III—police who are alert, visible, and ready to serve 24/7,” pahayag ng NCRPO chief.

