Calendar
3 suspek sa rape, murder nasakote sa Bataan
CAMP TOLENTINO, Bataan – Tatlong suspek sa panghahalay at pagpatay ang nasakote ng mga pulis sa lalawigang ito noong Biyernes, ayon kay PBrig. Gen. Rogelio Peñones, Central Luzon police director.
Sinabi ni PCol. Marites Salvadora, Bataan police director, na nahuli ang mga suspek ng Balanga City police tracker team.
Nakilala ang mga naaresto na si alyas “Oly” na 38-anyos at may kasong two counts ng statutory rape at sexual assault, at ang 31-anyos na si alyas “Ron” na tiklo sa Mariveles police sa Barangay Biaan, Mariveles, Bataan, dahil sa kasong pagpatay.
Arestado naman sa Limay police sa ilalim ni Maj. Jimmy Albert Decin, chief of police, ang 29-anyos na si alyas “Noy” dahil sa two counts ng statutory rape.
“All units were instructed to intensify efforts in tracking down wanted persons involved in murder, rape, and other heinous crimes, emphasizing that these sustained operations reflect the Bataan PNP’s strong commitment to preventing further criminal activities,” pahayag ni Salvadora.

