PCG

46 sakay ng lumubog na bangka nailigtas ng PCG

122 Views

NAILIGTAS ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 41 pasahero at limang crew ng lumubog na bangka sa Palawan.

Ayon sa PCG, ang bangkang JATROPHA ay nasira sanhi ng malalakas na alon sa Caboang Bay, Barangay Salang, Balabac, Palawan, ngayong Linggo, Enero 29.

Papunta umano ang bangka sa Buliluyan, Palawan.

Dinala ang mga pasahero sa Barangay Salang at doon binigyan ng atensyong medikal.