Calendar
500 residente nawalan ng kuryente sa 3 bumagsak na poste
MAHIGIT 500 residente ang nawalan ng kuryente ng matumba ang tatlong poste ng Meralco dahil malakas ang hangin at ulan noong Linggo sa Malabon City dakong alas-8:00 ng gabi.
Isinara sa trapiko ang M.H. Del Pilar St. sa kanto ng Yanga St. Brgy. Maysilo upang bigyang-daan ang pagkukumpuni at pagpapalit sa tatlong bumagsak na poste matapos ang hagupit ng mala-buhawing hangin at malakas na ulan.
Nawasak ng nakaparadang tricycle ni Reuel Santos sa M. H. Del Pilar nang mabagsakan ng poste habang ang isa pa ay bumagsak sa bubong ng paupahang bahay.
Kumpiyansa ang tanggapan ni Mayor Jeannie Sandoval na magiging mabilis ang pagbabalik sa normal na supply ng kuryente sa lugar dahil puspusan ang pagsasaayos ng mga crew ng Meralco upang mapalitan ang mga bumagsak na poste.

