Boga

Bus conductor nakorner sa iligal na baril

Edd Reyes Jun 22, 2026
149 Views

TIMBOG ag 26-anyos na konduktor ng bus dahil sa pagdadala ng baril na walang papeles noong Linggo sa Parañaque City.

Nagpapatrulya ang mga tauhan ni Parañaque police chief P/Col. Nicolas Piñon sa Brgy. Tambo, Paranaque nang isinumbong ang suspek na si alyas Erick dahil sa sukbit na baril habang nakatambay sa Sunrise St.

Nang makatunog ang suspek sa papalapit na mga pulis, lumayo at nagtatakbo siya na nauwi sa habulan hanggang nakorner sa hindi kalayuang lugar.

Nakumpiska sa suspek ang cal .38 revolver at dalawang bala pero walang kaukulang dokumento ang baril.

Isinailalim na sa inquest proceedings ang suspek sa Parañaque City Prosecutor’s Office para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Resistance and Disobedience to a Person in Authority.