Marilou Cayco, bagong kongresista ng Batanes
Nov 29, 2026
Girlash papansin mashado
Nov 29, 2026
P1K ipinamahagi sa mga lolo, lola sa Jaen
Nov 29, 2026
Calendar
Metro
Babaeng e-trike driver minanyak, pasahero nakorner
Edd Reyes
Jun 22, 2026
281
Views
TIKLO ang 26-anyos na lalaki ng umano’y manyakin ang babaeng e-trike driver na maghahatid sa kanya noong Linggo sa Parañaque City.
Sa ulat ni P/Col. Nicolas Pinon kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco, sumakay sa e-trike ng biktima ang suspek na si alyas Dondon dakong alas-11:18 ng gabi para magpahatid sa Puyat compound, Brgy. Tambo.
Pagsapit sa tapat ng plaza, biglang dinakma ng suspek ang dibdib ng biktima kaya napasigaw at humingi ng tulong sa mga tauhan ng Tambo police sub-station.
Nang kapkapan, nakuha sa suspek ang hindi pa batid na gramo ng shabu.
Mahaharap sa kasong acts of lasciviousness at paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek sa Parañaque City Prosecutor’s Office.
Pugante, 58, ginawang alipin sa s*x nene, huli
Nov 29, 2026
Bus na nag-counterflow sa QC inisyuhan ng SCO
Nov 27, 2026
