Calendar
Nambastos na lalaki umiskerda, nabundol ng bus, pumanaw
PATAY ang lalaki na nasagasaan ng bus sa Purdue St., Brgy E. Rodriguez, Quezon City noong Linggo matapos ireklamo ng pambabastos.
Ayon sa mga biktima ng pambabastos, biglang pumasok sa kanilang bahay ang lalaki at hinipuan ang dibdib ng ginang at anak nitong babae.
Nagtungo sa barangay ang mag-ina upang ipa-blotter ang lalaki.
Tatlong beses pa umanong bumalik sa kanilang bahay ang suspek matapos ang umano’y pambabastos.
Kinompronta ng dalawang anak na lalaki ng ginang ang suspek.
Matapos ang komprontasyon, naglakad palayo ang lalaki pero pagdating sa kanto ng Purdue at New York Sts. ay nabundol at nasagasaan ng isang bus.
Dead-on-the-spot ang biktima dahil sa matinding pinsalang tinamo sa katawan.
Ang hinala ng ilang residente nakainom ang lalaki at hindi kontrolado ang kanyang kilos nang mangyari ang insidente.
Samantala, dinala sa Quezon City Traffic Sector 3 ang driver ng bus na sangkot sa aksidente at nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.
