Calendar
Menor-de-edad sinaksak sa leeg ng menor-de-edad, nasawi
ARESTADO ang menor-de-edad na suspek sa pananaksak at pagpatay sa kapwa menor-de-edad sa Geronimo (Maisan) St., Brgy. 432, Zone 44, Sampaloc, Manila noong Biyernes.
Nakilala ang suspek na si alyas ZCM habang ang biktima nakilalang si alyas FDV, ayon sa report.
Bandang alas-12:20 ng hatinggabi nakatanggap ng tawag sina PMSg Garcia sa Lacson PCP tungkol sa pananaksak.
Ayon kay alyas Marvin, isang saksi, bago nangyari ang krimen nakikipag-inuman ang biktima kasama ang 10 hanggang 15 na iba pa.
Nilapitan ng biktima ang saksi at sinabing sinampal siya ng suspek.
Hinarap ng biktima ang suspek at itinulak ang huli na nagdulot ng kaguluhan.
Matapos ang pagtatalo, biglang bumunot ng matulis na bagay ang suspek at ginamit para saksakin ng maraming beses sa leeg ang biktima.
Nahuli ang suspek sina Pat John Nelo Galiendez at Pat Paolo Eduardo Villaruel.
Nasa kustodiya ng pulisya ang suspek kasama ang kanyang Guardian habang sinisiyasat ni PSSg John Rupert Agustin ang motibo sa kaso.

