Calendar
60 gramo ng shabu nakuha sa natiklong ‘tulak’
CAMP GEN. MARIANO N. LLANERA, Cabanatuan City — Natimbog ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) ang drug suspek at nakumpiska ang P408,000 na halaga ng shabu na may bigat na 60 gramo sa General Mamerto Natividad noong Biyernes.
Ayon kay Nueva Ecija cop chief P/Col. Ritchie Claravall, naaresto ang suspek na si alyas “Jim,” 55-anyos, sa Barangay Mataas na Kahoy alas-9:30 ng gabi.
Nagmamaneho ang suspek ng Yamaha Aerox nang matiklo na may tatlong plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 60 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P408,000, isang sumpak na may dalawang bala at isang mini weighing scale.
Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Republic Act (RA) 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at RA 10591, o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Pinuri ni Claravall ang kanyang mga tauhan sa pagkakahuli sa suspek na tulak.

