Gatchalian2 Senate President Sherwin Gatchalian

6,681 classrooms na nasira hiniling makumpuni ni Gatchalian

120 Views

NANAWAGAN si Senate President Sherwin Gatchalian sa Department of Education (DepEd) at mga local government unit na kumpunihin ang 6,681 silid-aralan na nasira ng dalawang bagyo at habagat.

Umabot sa 6,681 ang mga nasirang silid-aralan hanggang Agosto 14, bukod pa sa kakulangan na 147,000 silid-aralan noong Hulyo 2025.

Maaaring lumaki pa ang kakulangan sa mga silid-aralan kung hindi makukumpuni o mapapalitan ang mga nasirang pasilidad.

“Tuwing bumabangon tayo mula sa mga kalamidad, kailangang agarang kumpunihin o palitan ang mga nasirang silid-aralan upang ’wag malagay sa panganib ang mga mag-aaral dahil lamang sa mga pasilidad na hindi agad naaayos,” sabi niya.

May P67.9 bilyong nakalaan sa 2026 national budget para sa basic education facilities, kabilang ang pagpapalit ng mga gusali ng paaralan.

Inanunsyo rin ng DepEd ang P34.355 milyon para sa cleanup at clearing operations sa 1,195 apektadong paaralan, at P201.586 milyon para sa minor repairs ng 4,114 silid-aralan.