Calendar
9 ng pasahero nailigtas na lumubog na bangka sa Occidental Mindoro




SIYAM na pasahero ang nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos na lumubog ang sinasakyang bangkang de motor na MBCA Treskillion sa karagatang sakop ng Nyogan, Barangay 9, Mamuburao, Occidental Mindoro.
Batay sa ulat ng PCG, hinampas ng malalaking alon ang bangka habang naglalayag sa dagat kayat pinasok ito ng tubig at unti-unting lumubog.
Agad rumesponde ang mga tauhan ng Provincial Disaster Risk Reduction ang Management Office at PCG sa lugar para iligtas ang mga pasahero ng bangka kabilang ang kanilang kapitan.
Sa tulong ng Coast Guard Sub-Station sa Mamburao ay nadala sa ligtas na lugar ang mga pasahero. Isinailalim ang mga ito sa medical assessment at nang matiyak ng maayos ang kalagayan ng mga ito ay agad din silang inihatrid sa kanilng mga pamilya.
