bbm3

95-anyos, iba pang BBM-Sara supporters hindi natinag ng ulan

187 Views

HINDI natinag ng buhos ng ulan ang 95-anyos na lalaki at ang libong katao na dumagsa at nagpakita ng suporta sa campaign rally ng Uniteam sa Borongan City, Eastern Samar.

Pinasalamatan ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Alejandro Duzon na sa kanyang edad na 95 ay hindi umalis hanggang sa matapos ang programa.

“Kailangan nating kilalanin ang VIP ng lahat ng Marcos loyalists, si Alejandro Duzon na 95-years old,” sabi ni Marcos.

Muling inulit ni Marcos ang panawagan ng UniTeam na pagkakaisa para sa muling pagbangon ng bansa.

Nagpahayag din ng pasasalamat sa mga suporter si Sen. Ronald dela Rosa na siyang kumatawan kay vice presidential candidate Sara Duterte.

Sinabi ni dela Rosa na tutulong si Duterte kay Marcos upang maiahon ang bansa at hindi magiging pabigat para makamit ito.