Tan

Samar solon nangakong poprotektahan boto ng BBM-Sara UniTeam

80 Views

NANGAKO si Samar Rep. Sharee Ann Tan na poprotektahan ang boto ng UniTeam na pinamumunuan nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at running mate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte.

“Nandito ngayon p’wede po itong sumuporta sa atin at bantayan ang ating boto sa araw ng halalan, nandito po ang ating mga mahal na BBM (Bongbong Marcos) volunteers,” sabi ni Tan sa campaign sortie ng UniTeam sa Catbalogan, Samar.

Ayon kay Tan hindi magiging posible ang matagumpay an rally kung wala ang tulong ng mga BBM supporters na pumunta sa kabila ng masungit na panahon.

Muli ring inulit ni Tan ang panawagan ni Marcos na magkaisa para makabangon ang bansa mula sa hagupit ng pandemya.

“Nagtatrabaho at sumusuporta para maging successful ‘yung ating gathering ngayong araw, nandito din po ‘yung mga mayors natin na handang sumuporta sa atin sa iba’t ibang munisipyo and naniniwala po kami na nandiyan ang suporta sa UniTeam, dahil naniniwala po kami na ang pagkakaisa ang magiging solusyon para sa development at progreso ng ating bansa,” sabi ni Tan.