Mabini

2 bgy sa Mabini may bagong sementadong kalsada, mga residente todo pasasalamat sa mga Luistro

20 Views

Mabini1Mabini2MABINI, BATANGAS—Abot-langit ang pasasalamat ng mga residente ng Barangay Malimatoc 2 at Barangay Nagiba sa mag-asawang pampublikong lingkod na sina Congresswoman Jinky Luistro at Mayor Noel Luistro matapos pormal nang mabuksan ang bagong kalsada sa kanilang lugar.

Ayon sa mga lokal na mamamayan, matinding ginhawa at kaligtasan sa biyahe ang hatid ng nasabing kalsada kumpara sa dating daanan.

Hindi lang basta semento at daanan ang naturang proyekto kundi nagsisilbi ring tulay para sa mas maraming oportunidad, mabilis na transportasyon ng paninda, at pag-unlad ng pamayanan.

Napakalaking tulong nito sa aming pang-araw-araw na pamumuhay. “Maraming salamat sa serbisyong may tunay na malasakit at ramdam ng taumbayan!” pahayag ng mga residente.