Pension

2,500 senior citizens sa Las Pinas natanggap na P3K social pension

Edd Reyes Oct 15, 2026
36 Views

Pension1UMABOT sa 2,500 senior citizens ang nakatanggap ng kanilang P3,000 social pension para sa ikatlong quarter payout na isinagawa sa Aguilar Sports Complex sa Las Piñas City.

Kabilang sa mga lolo at lolang tumanggap ng social pension ang mga nagmula sa Elias Aldana, Zapote, Pamplona Tres, Pamplona Dos, Pulang Lupa Uno at Pulang Lupa Dos.

Dumalo sa payout si Mayor April Aguilar, kasama sina Lowefe Romulo ng CSWDO, Ronald Monfero ng PWD Affairs, Dr. Julie Gonzalez ng City Health Office, at mga kinatawan ng Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO) ng lungsod upang tiyakin na maging maayos ang pamamahagi at kalagayan ng mga benepisyaryo.

Ayon kay Mayor Aguilar, patuloy na sinisiguro ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas na tuloy-tuloy na naihahatid ang mga programang nakalaan para sa kapakanan ng mga senior citizen ng kanilang lungsod.