Calendar
QC mayor proud sa mga nagawa
“NGAYON, tayo ay nakatindig sa mga bakas ng pangarap ng ating tagapagtatag, habang sama-sama nating itinatayo ang isang adhikaing higit na mas malaki kaysa sa sinuman sa atin.”
Ito ang mesahe sa ika-8 State of the City Address ni Mayor Joy Belmonte tungkol sa mga tagumpay ng pamahalaang lungsod sa nakalipas na taon, kabilang ang pagpapalawak ng serbisyong panlipunan at pangkalusugan, suporta sa edukasyon at kabuhayan, kaligtasan, at mga proyektong pang-imprastraktura at pangangalaga sa kalikasan.
Mula nang manungkulan si Mayor Joy noong 2019, dumoble na ang badyet ng lungsod, kasabay ng patuloy na pagpapalawak ng mga programa at serbisyong tumutugon sa pangangailangan ng bawat mamamayan ng QC.
Kabilang sa mga pagkilalang natanggap ng lungsod ang Hall of Fame para sa Outstanding Revenue Performance, anim na Unmodified Opinion mula sa Commission on Audit (COA) at Presidential Award for Child-Friendly Cities.
Binigyang-diin ni Mayor Joy na ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa dami ng boto sa halalan, kundi sa mga repormang mananatili at patuloy na maglilingkod sa mamamayan, kahit lampas na sa panunungkulan ng mga nagtaguyod nito.
Nagpasalamat din ang alkalde sa lahat ng bumubuo sa pamahalaang lungsod na patuloy na nagsisilbi at nagtutulungan para maisakatuparan ang mga programa at pangarap para sa bawat QCitizen.

