Busway

Rehab ng NorthAv, Monumento, Bagong Barrio busways tapos na

Jun I Legaspi Oct 20, 2026
74 Views

Busway1Busway2OPERATIONAL na ang bagong rehabilitate na EDSA Busway stations sa North Avenue at Monumento sa Quezon City at sa Bagong Barrio sa Caloocan City na bahagi ng phase 1 ng EDSA Busway Rehabilitation Project.

Nag-inspeksyon noong Martes sina Transportation Secretary Giovanni Lopez at Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor sa North Avenue at Bagong Barrio stations para matiyak kung nagagamit na ito ng mga pasahero.

Gusto ng kalihim alamin kung anong improvements pa ang pwedeng gawin para maging mas maayos ang biyahe ng mga komyuter.

Pinaganda ang mga istasyon sa pamamagitan ng mas malawak na station platforms, maaliwalas na mga istasyon at mas maayos na waiting sheds, railings, vertical louvers, tactile paving, wayfinding signs at LED information displays.

Patuloy naman ang pag-aayos sa mga elevator ng mga istasyon para sa mas maginhawang byahe ng mga pasahero.