Hot News

Estudyante ng UE nabulabog ng bomb threat

Jon-jon Reyes Oct 21, 2026
73 Views

BombBomb1

Bomb2
Nagsagawa ng paneling ang mga operatiba ng MPD at EOD DECU sa paligid at loob ng UE matapos matagpuan ang isang sulat na naglalaman ng banta sa palikuran ng mga babae.

“MAY BOMBA NA SASABOG SA BUILDING LB MAMAYA.”

Ito ang mensaheng nakasulat sa dilaw na papel na natagpuan sa ibabaw ng tangke ng inidoro sa palikuran ng mga babaeng estudyante sa loob ng University of the East sa Sampaloc, Maynila, Martes ng hapon.

Ang umano’y banta ay nakita sa Dalupan Building no. 2219 CM Recto malapit sa kanto ng SH Loyola sa Brgy. 404

Ayon sa report ng pulisya, bandang 12:15 ng hapon nang matuklasan ang nasabing liham.

Agad na inireport ang insidente sa pulisya.

Agad rumesponde sina PLt. Bienvenido O. Cinco JrR., Deputy Commander ng UBA-PCP, kasama sina Pat. Cherwin C. Dilly at Pat. John Ezekiel V. Mangabang, mga tauhan ng TMRU.

Agad na kinordon ang paligid ng nasabing unibersidad.

Base sa naunag ulat, inireport ang liham ng isang estudyante sa security guard ng UE.

Natanggap ni PSSg Joseph R. Pagurayan, duty STOC, ang ulat tungkol sa insidente mula sa pamunuan ng UE.

Dahil dito, ang mga tumugong tauhan, kasama ang mga duty investigator na sina Pat. Vench E. Cura at Pat. John Jerico Asuncion, ay agad bineripika ang impormasyon.

Ang buong mensahe sa sulat: “May bomba na sasabog sa building LB mamaya, Oktubre 20, 2026.”

Dumating din sa lugar ang operatiba ng MDP-DECU sa pamumuno ni PCMS Romulus Roland Ramilo at sinuri ang paligid.

Pasado alas-2:45 nang matapos ang pagsusuri.

Batay sa pagtatasa ng MPD-EOD/DECU, walang natagpuang pampasabog o mga mapanganib na materyal sa loob ng gusali.