Iniharap ni PLt.Col. Rommel Anicete, hepe ng Baseco Police Station13 ang mga suspek sa illegal na droga na naarresto sa Port Area, Maynila.

76-anyos na lola, kasama di nakalusot sa buy-bust

Jon-jon Reyes Oct 21, 2026
103 Views

ARESTADO ang isang 76-anyos na lola at kasama nito matapos makuhanan ng mahigit 15.54 gramo ng shabu na nagkakahalaga sa mahigit P105,672 ng mga operatiba ng MPD Baseco Police sa Port Area, Maynila.

Ang mga suspek ay nasakote sa isang buy-bust operation sa eskinita sa kahabaan ng Block 9, Old Site, Baseco Compound, Port Area.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na nakilalang sina alyas “Shik-shik, 76, tubong Cotabato, may asawa, Muslim, at alyas “John Paul”, 33, mensahero, kapwa residente ng Old Site.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, bandang 12:05 ng hatinggabi nang isagawa ng mga tauhan ng Baseco PS-13, SDEU, sa pamumuno ni PLt. Mark Jason N. Ramos, ang nasabing buy-bust.

Nakumpiska sa mga suspek ang P500 bill at “computer-generated” na P1,000 bills na ginamit bilang “marked money.”

Nakumpiska rin ang tatlong sachet ng hihinalang shabu na may tinatayang bigat na 15.54 na gramo at nagkakahalaga ng P105,672.