Mursing

11 Pinoy na nars miyembro na ng American Academy of Nursing

110 Views

BPPO1WASHINGTON, D.C. – Muling nagningning ang galing ng mga nars na Pilipino matapos parangalan kamakailan ang 11 Pinoy at Pinoy-American nurses na opisyal nang pumasok bilang bagong miyembro ng prestihiyosong American Academy of Nursing (AAN).

Ipinagdiwang ang makasaysayang tagumpay na ito sa “Celebration of Excellence 2026” na inorganisa ng Embahada ng Pilipinas sa Washington, D.C. at ng Philippine Nurses Association of America (PNAA).

Ang mga pinarangalan at itinuturing nang “cream of the crop” sa larangan ng nursing ay sina Dr. Nelson Aquino, Dr. Raquel Bertiz, Dra. Benjamin Joel Breboneria, Brigitte Cypress, Dr. Pablito Roberto Gahol, Dr. María Reila Molina, Dra. Rayne Soriano, Mila Sprouse, Dr. Jandryle Trondillo, at Dr. Patria Villacorta Manalaysay.

Bukod sa US-based nurses, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok sa AAN ang mga Pinay nurse na nakabase sa United Kingdom at Saudi Arabia.

Si Philippine Ambassador Jose Manuel Romualdez ang buong-giting na bumati sa mga mga pnarangalan at sinabing ang tagumpay na ito ay patunay ng dedikasyon, malasakit, at husay ng mga Pinoy sa pangangalaga ng kalusugan.

Kasabay rin ito ng pagdiriwang ng Filipino-American History Month at ang ika-80 anibersaryo ng magandang ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Dinaluhan ang seremonya ng iba’t ibang kilalang health leaders mula sa malalaking organisasyon sa Amerika para magbigay-pugay sa mga bagong bayani ng kalusugan.