MWP

MWP na may kasong acts of lasciviousness sa Batangas himas rehas

32 Views

Motor1

KAMPO HENERAL MALVAR, Lungsod ng Batangas – Tiklo noong Martes sa manhunt operation ang isang Provincial Most Wanted Person sa Bgy. Hidalgo, Tanauan City.

Ang akusado na nakilalang sa alyas Chips, 31, at residente ng nasabing barangay ay nadakip ng Lobo Municipal Police Station, sa ilalim ng Batangas Police Provincial Office na pinamumunuan ni PCOL Oliver B. Ebora, sa bisa ng warrant of arrest mula sa Regional Trial Court Branch 83 sa Tanauan City para sa dalawang kaso ng statutory acts of lasciviousness.

May inirekomendang piyansa ang korte na ₱108,000 para sa bawat kaso.

Gumamit ang mga pulis ng body-worn camera (BWC) at alternative recording device (ARD) para sa transparent at wastong dokumentasyon ng huli, kasabay ng pagbasa sa Miranda Doctrine ng suspek.

Kasalukuyang nakakulong ang akusado sa Lobo Municipal Police Station habang inihahanda ang mga dokumento para sa pagbabalik ng warrant sa korte.