Bautista

Bagong istasyon ng EDSA Busway binuksan

128 Views

BINUKSAN ng Department of Transportation (DOTr) ang bagong istasyon sa EDSA Busway.

Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista magbebenepisyo sa One Ayala Terminal ang mga nagtatrabaho at papunta o galing sa Ayala, Makati City.

“The EDSA Ayala Busway Station will benefit mall workers, employees of the Makati Central Business District, as well as holiday shoppers,” sabi ni Bautista.

Nagsimula ang operasyon ng istasyon simula Sabado, Nobyembre 19.

Nagpasalamat si Bautista sa Ayala Land, Inc. (ALI) sa pagbibigay ng lugar para sa bagong istasyon na mayroong palikuran, upuan para sa PWD, senior citizen at buntis, at maging bike rack.

Tatlo pang istasyon ang planong buksan ng DOTr hanggang sa Abril 2023.