Jesus

Panginoon, nawa’y ang linggong ito ay maghatid ng dahilan ng pasasalamat

Mar Rodriguez Nov 22, 2026
93 Views

PANGINOON, maraming salamat po sa biyaya ng panibagong linggo.

Maraming salamat sa Inyong pagmamahal, proteksyon, paggabay, at sa patuloy na pag-alalay sa akin sa bawat pagsubok na aking hinarap sa nakaraang linggo.

Puspusin Ninyo ang aking puso ng kapayapaan, pasasalamat, at panibagong lakas.

Pagpalain Ninyo ang aking pamilya at mga mahal sa buhay ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at kaligtasan.

Nawa’y ang bagong linggong ito ay maghatid ng kapahingahan, kagalakan, makabuluhang mga sandali, at mga bagong dahilan upang magpasalamat.

Gabayan Ninyo ang bawat hakbang ko, ilayo Ninyo ako sa anumang kapahamakan, at nawa’y mapuno ng Inyong biyaya at pagpapala ang lahat ng aking gagawin.

Sa makapangyarihang pangalan ni Hesus, Amen.

SA DIYOS ANG LAHAT NG KAPURIHAN!

Ni Mar Rodriguez