Rape

Bentot dinampot sa mabantot na mga kasong gahasa, assault, kalaswaan

63 Views

Live1

KAMPO HENERAL MALVAR, Lungsod ng Batangas – Kalaboso ang 64-anyos na mangingisda, na kabilang sa listahan ng Most Wanted Persons, matapos masakote ng mga awtoridad sa Nasugbu, Batangas noong Miyerkules.

Ayon sa ulat ni Batangas Police director PCol. Oliver Ebora, isinagawa ng mga tauhan ng Nasugbu police ang manhunt laban sa suspek na si alyas Bentot, residente ng Brgy. Papaya, kaya nahuli.

Dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest ng Regional Trial Court (RTC) Branch 14 sa Nasugbu dahil sa tatlong bilang ng statutory rape na walang inirekomendang piyansa, rape through sexual assault na may piyansang P200,000 at statutory acts of lasciviousness na may piyansang P108,000.

Ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng Miranda Doctrine.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa custodial facility ng Nasugbu police.