Punzalan

PCG magkakabit ng 4 na navigational lantern sa Batanes

215 Views

MAGKAKABIT ang Philippine Coast Guard (PCG) ng apat na navigational lantern sa Batanes upang magsilbing gabay sa mga naglalayag na mangingisda.

Isang send-off ceremony ang isinagawa ng PCG ngayong Sabado, Nobyembre 26, para sa BRP Gabriela Silang (OPV-8301) na siyang magsasagawa ng operasyon.

Ayon kay PCG Deputy Commandant for Operations, CG Vice Admiral Rolando Lizor Punzalan Jr. ang mga navigational lantern ay ikakabit sa lighthouse ng Sabtang, Mahatao, Ivana, at Valanga.

Noong Mayo 2022 ay nagkabit naman ang Task Force Kaligtasan sa Karagatan (TFKsK) ng PCG ng limang navigational buoy sa Kalayaan Island Group (KIG) partikular sa Lawak, Likas, Pag-asa, at Parola islands.