Chiong

Fake access pass iniimbestigahan ng MIAA

188 Views

NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Manila International Airport Authority (MIAA) kaugnay ng napaulat na pagpapagamit umano ng pekeng access pass sa human trafficking.

Ipinag-utos ni MIAA General Manager Cesar Chiong ang pagsasagawa ng imbestigasyon.

Sa apat na magkakahiwalay na insidente noong Oktobre at ngayong buwan, naharang ng security ng MIAA ang iligal na pag-alis sa bansa ng apat na pasahero na pupunta sa Myanmar.

Nagpanggap umano ang mga ito na empleyado ng airport concessionaire ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 upang makalusot sa immigration.

Ang insidente ay iniimbestigahan din ng Senado.