Kooperasyon ng Pilipinas at UAE pinalalim pa
Nov 26, 2024
Kamara tuloy sa pag-iimbestiga sa confidential fund
Nov 26, 2024
Calendar
Provincial
9 nailigtas ng PCG sa nasirang bangka
Peoples Taliba Editor
Dec 4, 2022
168
Views
NAILIGTAS ng Philippine Coast Guard (PCG) ang siyam na katao mula sa nasirang motorbanca sa Zamboanga del Norte.
Hinagupit umano malakas na hangin at malalaking alon ang bangka na patungo sa Dipolog City mula sa Hasiman Tanjung, Jolo, Sulu.
Nasira umano ang kahoy na bangka dahilan upang pasukin ito ng tubig alas-3 ng umaga noong Disyembre 2.
Tinangay umano ng alon ang bangka sa Liloy, Zamboanga del Norte at alas-3:40 ng umaga ng maka-ugnayan nila ang PCG.
Ipinadala sa lugar ang MV Empress Amy na siyang nagligtas kina Henry Burong, Deigo Burong, Surafi Anapi, Benjar Luntian, Isa Musa, Aldamer Alih, Boy Saguile, Bader Barahim, at Magno Dalawis.
Hinila rin ng MV Empress Amy ang bangka na nakalubog ang kalahati sa tubig patungong Lamao Port.
Sen. Risa: POGOs front ng China sa spying ops sa PH
Nov 26, 2024
KAMPANYA VS VIOLENCE SA KABABAIHAN
Nov 26, 2024
Elem school sa Batangas nanakawan ng P.5M tablets
Nov 26, 2024
Samahan ng konsehal sa Batangas pinatibay
Nov 25, 2024
NBI opens 2 new satellite offices
Nov 25, 2024