Kontratista tiklo sa boga sa Taal
Nov 16, 2026
PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
Calendar
Nation
Empleyado ng gobyerno may rice assistance
Peoples Taliba Editor
Dec 20, 2022
673
Views
PINIRMAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Administrative Order no. 2 upang mabigyan ng one-time rice assistance ang mga job orders (JO) at contracts of service (COS) na empleyado ng Executive department.
Upang makakuha ng rice assistance ang mga empleyado ay kailangang nasa serbisyo na sa Nobyembre 30, 2022 o bago pa ang petsang ito.
Hindi naman kasali sa benepisyong ito ang mga konsultant, eksperto na kailangan sa limitadong panahon, pakyaw ang trabaho, at ang mga binabayaran kada may ipinapagawa.
Maaari ring mabigyan ng rice assistance ang iba pang empleyado ng gobyerno depende sa kakayanan ng kani-kanilang tanggapan.

