Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
MRT3

98M pasahero sumakay ng MRT-3 noong 2022

Jun I Legaspi Jan 5, 2023
247 Views

MAHIGIT sa 98.33 milyon ang bilang ng pasaherong sumakay sa Metro Rail Transit-3 (MRT-3) noong 2022.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) ito ay mahigit doble ng 45.691 milyon na sumakay noong 2021 at 31.887 milyon noong 2020.

Pinakamarami umanong sumakay noong buwan ng Hunyo na umabot sa 10,555,184 pasahero.

Noong pandemya ay itinuloy ang rehabilitasyon ng MRT-3 upang maiwasan ang pagkasira ng tren habang nasa biyahe na isa sa mga dahilan kung bakit mayroong mga pasahero na nagdadalawang-isip na sumakay ng tren.