Alas asin, MAAP magtutulungan para sa barangay
Apr 20, 2026
Cavite City heat index umabot sa danger level
Apr 20, 2026
Outing nauwi sa trahedya; batang lalaki, 7, nalunod
Apr 20, 2026
Calendar
Nation
Garafil itinalagang kalihim ng PCO
Ryan Ponce Pacpaco
Jan 10, 2023
443
Views
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Cheloy Garafil bilang kalihim ng Presidential Communications Office (PCO).
Batay sa inilabas na impormasyon ng PCO si Garafil ay nanumpa na sa tungkulin kay Pangulong Marcos.
Bago naitalagang kalihim, si Garafil ay naging officer-in-charge ng binuwag na Office of the Press Secretary.
Siya ay itinalagang chairperson ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) bago inilipat bilang OIC ng OPS.

