Kontratista tiklo sa boga sa Taal
Nov 16, 2026
PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
6 na suspek na tulak nahuli
Nov 15, 2026
DALAW
Nov 15, 2026
Calendar
Nation
Speaker Romualdez pinangasiwaan panunumpa ni CHR Commissioner Dumarpa
Ryan Ponce Pacpaco
Jan 11, 2023
597
Views
PINANGASIWAAN ni Speaker Martin G. Romualdez ang panunumpa sa tungkulin ni Atty. Faydah Dumarpa bilang commissioner ng Commission on Human Rights (CHR).
Kumpiyansa si Romualdez na magagampanan ni Dumarpa ang kanyang tungkulin.
Ginanap ang panunumpa sa Makati City noong Enero 11.
Pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang appointment paper ni Dumarpa noong Disyembre 28, 2022. Siya ay binigyan ng pitong taong termino.
Si Dumarpa ay dating political affairs officer sa Kamara de Representantes bago naging legislative staff officer sa Senado noong 2012.
Siya ay naging Deputy Executive Director III for Administrative and Financial Service ng National Nutrition Council na nasa ilalim ng Department of Health noong 2021.

