Galvez

Sec Galvez nanumpa na sa tungkulin

198 Views

NANUMPA na sa tungkulin si Defense Secretary Carlito Galvez Jr.

Pinangasiwaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panunumpa ni Galvez sa Malacanang noong Enero 13.

Bago itinalaga bilang kalihim ng Department of National Defense si Secretary Galvez ay naglingkod bilang Presidential Adviser sa Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) mula Disyembre 2018 hanggang Enero 2023.

Samantala, nanumpa na rin sa tungkulin si Presidential Adviser on Muslim Affairs Al Tillah.

Si Presidential Adviser Tillah ay dati namang gobernador ng Tawi-Tawi.