Abalos

95% ng police generals, full colonels nakapaghain na ng courtesy resignation

126 Views

NASA 95 porsyento ng 954 general at full colonel ng Philippine National Police (PNP) ang nakapaghain na ng courtesy resignations.

Ito ang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na 904 na sa 954 na heneral at kolonel ang nakapaghain na ng courtesy resignation.

“So 50 na lang,” sabi ni Abalos na nagpasalamat sa pagtugon ng mga naghain ng courtesy resignation sa kanyang panawagan.

“Ako’y nagpapasalamat sa tiwalang binigay nila and we will make sure of course…that our five-man committee, persons of integrity,” sabi ni Abalos.

Layunin ng panawagan ni Abalos na pabilisin ang pag-alis sa mga opisyal ng PNP na sangkot o kasabwat ng mga sindikato ng iligal na droga.