Alas asin, MAAP magtutulungan para sa barangay
Apr 20, 2026
Cavite City heat index umabot sa danger level
Apr 20, 2026
Outing nauwi sa trahedya; batang lalaki, 7, nalunod
Apr 20, 2026
Calendar
Nation
PBBM nakipagpulong kina Speaker Romualdez Senate President Zubiri
Peoples Taliba Editor
Jan 28, 2023
459
Views
NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kina Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Senate President Juan Miguel Zubiri upang pag-usapan ang mga panukalang batas na kailangan ng administrasyon.
Inilabas ng Presidential Communications Office (PCO) ang litrato ng pagpupulong.
Hindi naman tinukoy ng PCO ang mga partikular na pinag-usapan ng tatlo.
Sa isinagawang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) noong nakaraang taon, inilatag ang mga panukalang batas na kailangan ng administrasyon upang epektibong mapamunuan at mapaunlad ang bansa.

