Marijuana nakuha sa lalaking patay mula sa flyover
Apr 10, 2025
Calendar

Nation
Koleksyon ng BOC lumagpas sa target
Peoples Taliba Editor
Jan 31, 2023
193
Views
LUMAGPAS umano sa target ang nakolekta ng Bureau of Customs (BOC) ngayong Enero 2023.
Ayon sa BOC mula Enero 1 hanggang 27, nakakolekta ang BOC ng P65.801 bilyon, lagpas sa target na P58.822 bilyong makolekta nito.
Mas mataas din umano ito sa P58.174 bilyon na nakolekta noong Enero 2022.
Sinabi ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na patuloy ang pagsusumikap ng BOC na mapataas ang koleksyon nito at malabanan ang mga nais na tumakas sa pagbabayad ng tamang buwis.