Otoko waley balak, girlalu hopya sa dream wedding
Nov 28, 2026
Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Bea, 2nd runner-up sa Best NatCos ng Miss Universe
Nov 28, 2026
Calendar
Provincial
Mag-ama naghati sa jackpot ng MegaLotto 6/45
Peoples Taliba Editor
Mar 14, 2023
593
Views
NAGHATI ang isang ama at kanyang anak na lalaki sa jackpot prize ng MegaLotto 6/45 na nagkakahalaga ng P11.6 milyon.
Kuwento ng tatay tumaya ito ala-1 ng hapon noong Pebrero 27 sa San Pablo, Laguna. Nang muling mapadaan sa lotto outlet ay muli itong tumaya ang parehong numero ang kanyang tinayaan.
Ibinigay ng tatay ang isa sa mga tiket sa kanyang anak at sinabi na kapag tumama ay hati sila.
Ang mga numerong 25-4-11-35-15-09 ay kombinasyon umano ng petsa ng kaarawan at edad ng mga miyembro ng kanilang pamilya.
Ayon sa tatay, malaki ang kanyang paniniwala na susuwertihin ngayong taon dahil sa kanyang horoscope.
Wala pa umanong plano ang mag-ama kung ano ang gagawin sa kanilang napanalunan.
Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Buwanang fitness test ginanap para sa BPPO
Nov 28, 2026
Rider nasawi sa salpok ng tricycle
Nov 27, 2026
BBJVI bukas na sa Balanga
Nov 27, 2026
Phase 1 ng Laguna command center tapos na
Nov 27, 2026
El Niño kokontrahin ng SPIPP sa Alliaga
Nov 27, 2026

