Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026
Calendar
Motoring
PNR walang biyahe sa Kuwaresma
Jun I Legaspi
Mar 29, 2023
585
Views
HINDI bibiyahe ang mga tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Abril 6 hanggang 9.
Ayon sa inilabas na anunsyo ng PNR, sa Abril 5, Miyerkoles Santo, ay mayroon ding pagbabago sa iskedyul ng mga biyahe.
Ang huling biyahe sa Tutuban-Calamba ay alas-7:26 ng gabi. Ang biyaheng Tutuban-San Pedro ay 7:46 naman ng gabi.
Ang Calamba-San Pablo ay 6:30 ng gabi, at ang Sipocot-Naga ay 4:50 ng hapon.
Ang huling biyahe naman ng Alabang-Tutuban ay 8:02 ng gabi, at ang Bicutan-Gov. Pascual ay 7:20 ng gabi.
Aalis naman ang tren na biyaheng Gov. Pascual- Tutuban ng 8:42 ng gabi, ang Lucena-San Pablo ay 5:50 ng hapon at ang Naga-Sipucot ay 3:30 ng hapon.
Magbabalik naman ang normal na operasyon ng PNR sa Abril 10.
Proseso ng nasa ‘tempo’ status na TNVS maayos–LTFRB
Oct 18, 2026
LTFRB tinanggihan 2 aplikante ng MTPP
Oct 12, 2026
19 TNCs pinatawag sa di pagtupad sa taas-pasahe
Oct 1, 2026
Dagdag-pasahe sa PUVs, epektibo sa Setyembre 28
Sep 26, 2026

