Cabrera

LRT-2 walang biyahe sa Kuwaresma

Jun I Legaspi Mar 29, 2023
126 Views

WALANG biyahe ang mga tren ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) mula Abril 6 hanggang 9.

Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Hernando Cabrera gagamitin ng ahensya ang panahong ito upang suriin at kumpunihin ang sistema.

Ipinaalala rin ni Cabrera na mas maikli ang operasyon ng LRT-2 sa Abril 5, Miyerkoles Santo.

Ang huling biyahe umano ng galing sa Recto station at Antipolo station ay alas-7 ng gabi.