Cabrera

Budget para sa LRT-2 port area extension inaantabayanan

158 Views

INAANTABAYANAN ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang pondo para sa pagtatayo ng extension ng Light Rail Transit line 2 patungong port area sa Maynila.

Ayon kay LRTA Administrator Hernando Cabrera ang LRT-2 West Extension Project ay nagkakahalaga ng P10.1 bilyon.

Kapag lumabas na ang umano ang multi-year obligation authority, sinabi ni Cabrera na maaari ng buksan ang bidding para sa pagtatayo dahil natapos na umano ang kinakailangang pagpaplano.

Sinabi ni Cabrera na limang kilometro ang madaragdag sa kasalukuyang linya ng LRT-2 na magsisimula sa Recto station.

Kasama sa extension project ang pagtatayo ng istasyon sa Tutuban, Divisoria, at Pier 4.

Maaari umanong magtatagal ng tatlo o apat na buwan ang bidding at ang tatlong taon naman ang inaasahang konstruksyon nito.

Ayon kay Cabrera makatutulong ng malaki ang proyekto sa mga pasahero na sumasakay ng inter-island ferry.