Suspek sa 5 bilang ng rape arestado
Nov 1, 2026
Mga santo, yumao bilang inspirasyon
Nov 1, 2026
Calendar
Travel & Leisure
PAL international flights ililipat sa NAIA 1
Peoples Taliba Editor
Jun 11, 2023
580
Views
SIMULA sa Hunyo 16, ang lahat ng international flights ng Philippine Airlines (PAL) ay ililipat na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.
Mananatili naman ang mga domestic flight ng PAL sa NAIA Terminal 2.
Magkakaroon naman ang PAL ng shuttle buses papunta at mula sa Terminal 1 at 2 para sa mga pasaherong mayroong connecting flights.
Hinimok naman ng PAL ang kanilang mga pasahero na dumating sa paliparan ilang oras bago ang kanilang flight.

