Calendar

Provincial
Mananaya sa Lanao nanalo ng P35M sa MegaLotto
Neil Louis Tayo
Jun 27, 2023
210
Views
ISANG mananaya sa Lanao del Sur ang nanalo ng P35.5 milyong jackpot prize sa bola ng MegaLotto 6/45 noong Hunyo 26.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang nag-iisang nakakuha sa winning number combination na 26-40-06-12-44-14 ay tumaya sa lotto outlet sa Magsaysay st., Brgy. Eastern, Wao, Lanao del Sur.
Samantala, nanalo naman ng tig-P32,000 ang 37 mananaya na nakalimang numero.
Tig-P1,000 naman ang tinamaan ng 1,379 mananaya na nakaapat na numero at tig-P30 ang 25,181 mananaya na nakatatlong numero.
Ang mga nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanilang premyo.
Lupa gumuho sa peryahan sa Cotabato, lalaki dedo
May 14, 2025