PRAs hinimok na wag muna magpapadala ng OFW sa ME
Jun 19, 2025
Calendar

Provincial
Taga-Nueva Ecija tumama ng P366M jackpot
Neil Louis Tayo
Jul 2, 2023
270
Views
ISANG mananaya sa San Roque, Cabiao, Nueva Ecija ang nanalo ng P366.68 milyong jackpot prize ng UltraLotto 6/58.
Batay sa inilabas na datos ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 43 – 58 – 37 – 47 – 27 – 17.
Mayroon namang 92 mananaya na nanalo ng tig-P120,000.
Tig-P2,000 naman ang 3,793 mananaya na nakaapat na numero at tig-P100 ang 44,780 mananaya na nakatatlong numero.
Ang mga nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanilang premyo.
Ang premyo na mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis.
MASS OATH TAKING NG MGA OPISYAL MULA MARINDUQUE
Jun 19, 2025
P1M shabu nasamsam sa 2 ‘tulak’ sa Rizal
Jun 19, 2025
Laguna walang pasok bilang pagpugay kay Jose Rizal
Jun 18, 2025