“Hello, Love Again’ tuloy na tuloy na
May 19, 2024
77th birthday party ni Lolit dinagsa ng mga artista
May 19, 2024
Calendar
Provincial
Mananaya sa Pangasinan nanalo ng P58.9M sa GrandLotto
Arlene Rivera
Jul 6, 2023
88
Views
ISANG mananaya sa Pangasinan ang nanalo ng P58.9 milyong jackpot prize ng GrandLotto 6/58 na binola noong Hulyo 5.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay tumaya sa Asinan, Bugallon, Pangasinan.
Siya ang nag-iisang nakakuha ng winning number combination na 05-01-27-26-44-11.
Nanalo naman ng tig-P100,000 ang 29 mananaya na nakasungkit ng lima sa anim na numerong lumabas.
Tig-P1,500 naman ang napanalunan ng 1,506 mananaya na nakaapat na numero at tig-P60 naman ang tinamaan ng 27,069 mananaya na nakatatlong numero.
Ang premyo na mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis. Ang mga nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanilang premyo.
Bamban mayor pinaiimbestigahan na ni PBBM
May 16, 2024