yedda

Rep. Yedda dumalo sa turnover ceremony ng multipurpose hall sa Leyte

135 Views

DUMALO si House Committee on Accounts chairperson at Tingog party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez sa turnover ceremony ng multipurpose building sa Sta. Fe, Leyte.

Ang multipurpose building ay nagkakahalaga ng P6.6 milyon at matatagpuan sa Sta. Fe National High School. Ito ay proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Rep. Yedda na ang proyekto ay patunay ng suporta ng Tingog party-list at ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa bayan ng Sta. Fe.

Nangako si Rep. Yedda na magpapatuloy ang pagsulong nito ng mga proyekto na pakikinabangan ng mga taga-Eastern Samar.