Hagedorn

Hagedorn naisoli na armalite rifles

Mar Rodriguez Jul 6, 2023
112 Views

KINUMPIRMA ni Investigation chief P/Lt.Col Dela Cruz sa pamamagitan ng pagpapalabas nito ng statement na naisoli na at natanggap na nila at nai-record na ang labing apat na M16 armalite rifles na na dating nasa pag-iingat ni dating mayor Edward Hagdorn.

Sa isang panayam, sinabi ni Hagedorn na labis nyang ikinalungkot ang naging desisyon kamakailan ng Sandiganbayan Third Division patungkol sa nasabing kaso. Kung saan, iginiit niya na siya ay inosente sa kaso laban sa kaniya.

Nilinaw ni Hagedorn na ang Criminal Case na Malversation of Public Property na isinampa laban sa kaniya noong 2016 ay walang kinalaman o kaugnayan sa umanmo’y maling paggamit niya sa public funds o paglulustay nito sa pondo ng gobyerno. Iginiit ng kongresista na wala siyang nilulustay na public funds.

Ayon kay Hagedorn, ang nasabing kaso laban sa kaniya ay patungkol sa PNP-issued firearms na hindi umano nito naibalik. Subalit naninindigan ang Palawan Congressman na inosente siya sa mga akusasyon laban sa kaniya, na napatunayan naman nito sa pagsasa-uli niya ng 14 armalite rifles.

“In my years of public service. I have never enriched myself at the expense of the Filipino people. I steadfastly maintain my innocence of these charges against me but I will not allow this unfortunate judgement to dampen my faith in justice system and the rule of law,” sabi ni Hagedorn.