Calendar
Romblon solon nakiisa sa 33rd Canonical Erection anniv ng Our Lady of Candles Parish
NAKIISA si Romblon Rep. Eleandro Jesus Madrona sa ika-33 Canonical Erection Anniversary ng Our Lady of Candles Parish sa Libertad, Odiongan noong Hulyo 25.
Pinangunahan ang misa ni Most Rev. Narciso V. Abellana, ang obispo ng Diyosesis ng Romblon, kasama sina Rev. Fr. RJ M. Noble, kura paroko ng Our Lady of Candles Parish, Rev. Fr. Nars G. Miñon Jr. at iba pang mga pari mula sa iba’t-ibang parokya sa lalawigan.
Dinaluhan ang pagdiriwang ng mga relihiyoso, lider ng simbahan, at daan-daang mananampalataya na nagtipon upang gunitain ang mahalagang yugto sa kasaysayan ng parokya.
Binati ni Cong. Madrona ang pamunuan ng Our Lady of Candles Parish, gayundin ang mga pari, layko, at lahat ng naging bahagi ng paglago at misyon ng simbahan sa nakalipas na 33 taon.
Kilala si Madrona bilang deboto ng Mahal na Birhen o isang Marian Devotee.
Ayon sa kongresista, mahalagang kilalanin ang patuloy na papel ng parokya sa pagpapalalim ng pananampalataya at pagbubuklod ng komunidad sa pamamagitan ng paglilingkod at pagmamalasakit sa kapwa.

